Filipino Values Month: Matira ang matibay sa pila ng enrollment—batak tayo diyan!
Pinoy ako dahil may mahaba akong pasensya, may respeto ako sa aking kapwa, marunong akong makisama, mahal ko ang aking pamilya, naniniwala akong masaya kung sama-sama at higit sa lahat, nagpo-po at opo ako sa mga nakatatanda.
Ngayong buwan ng Nobyembre, ipinagdiriwang natin ang Filipino Values Month sa bisa ng Proclamation No. 479 na nilagdaan noong Oktubre 7, 1994. Sa kabila ng makabagong pamumuhay, naisasabuhay pa rin ba ng mga Pilipino ang mga katangiang ito?
Oo, dahil patuloy ang diwa ng bayanihan kahit online—sa simpleng pag-share ng mga makakatulong na post, naipapakita ang pagtutulungan ng bawat isa. Ang pakikisama, malasakit, at matatag na fighting spirit at dagdagan pa ang ngiting may pag-asa na kailan man hindi mapupundi.
Kaya ngayong Filipino Values Month, sana naman ay maalala natin na hindi lang sa kwentuhan at chismisan tayong Pinoy ay magaling—sana ay isabuhay rin natin ang mga kaugaliang ito dahil ito ang likas na tumatakbo sa dugo at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.