Idineklarang sumailalim sa modular setup ang lahat ng mag-aaral mula sa lahat ng sangay na mga kampus ng Samar State University ngayong linggo.
Bagama’t walang partikular na petsang nabanggit sa inilabas na advisory noong Oktubre 27, kinumpirma ni University President Dr. Redentor Palencia sa The Tradesman na hanggang Oktubre 31 ang bisa ng pagpapatupad ng modular learning modality.
Ayon din kay National Service Training Program (NSTP) Director Leandro Crebello Sr., isasailalim din ang NSTP ng mga freshman sa modular setup ngayong Linggo, Nobyembre 3.
Dala ng mga kaganapan tulad ng Palaro 2024, isang buong linggong hindi kakailanganing pumunta sa paaralan ng mga mag-aaral mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3.