Sa pangangasiwa ng Carl E. Balita Review Center (CBRC), umaarangkada na sa kasalukuyan, Abril 12, sa College of Education (COEd) Function Room ang Open House Review, isang pagbabalik-aral tampok ang mga konsepto ng General Education at Professional Education.
Kalahok sa naturang review ang mga pre-service teachers ng COEd na nakatakda namang sumailalim sa National Aptitude and Normative Test for Educators (NANTE) mamayang hapon bilang parte ng kanilang paghahanda para sa Licensure Examination for Teachers (LET).