“Ito’y pagsubok sa tunog at mikropono. Isa, dalawa, tatlo.”
Marahil marami sa atin ay humihiling na sana ay mikropono at tunog na lamang ang sinusubok at hindi buhay ng isang tao.
Sa kabila ng pagpupugay ng pagkatatag ng Proclamation No. 557 noong Abril 1995 ni dating pangulong Fidel V. Ramos, ay siya ring dapat pagbibigay pugay sa mga taong kinitilan ng buhay habang ang mithiin lamang ay ipaglaban ang katotohanan para sa bayan.
Sa pagdiriwang ng buwan ng mga brodkaster, ating alalahanin ang bawat salitang binitawan at bawat kwentong ating narinig. Dahil ngayon, sa bawat pagpindot sa play, may mga tinig na hindi na natin muling maririnig – mga boses na sa taumbayan ay dating dumidinig.
Saludo kami sa tapang at dedikasyon ng mga brodkaster na nagbigay ng boses sa katotohanan, kahit pa ito ay naging dahilan ng kanilang huling pamamaalam.