Nawawala, nagtatago
Naghahanap ng kaibigan
Nagtataka, nagtatanong
Kung kailan kami makikita at mapapakinggan
Sa pagdiriwang ng National Literature Month ngayong Abril alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015, ating alalahanin na ang literatura ay hindi literatura lang dahil ito ang nagsisilbing instrumento
tungo sa pagtuklas ng kasaysayang mayroon ang Pilipinas.
“Anong makukuha natin dyan? Mga letra lang naman ‘yan.”
Ngayong 2024, may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan,” na kung saan ipinapahiwatig ang malayang pagtalakay patungkol sa kahalagahan ng panitikan.
Sa pamamagitan nito, ating matutuklasan ang iba’t-ibang anyo ng literaturang tumutulong sa pag-usbong at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Ang panitikan ay hindi mga letra lamang, kundi ito ay simbolo na siyang magpapayaman sa ating literatura.
Ang literatura ng kabataan
Ang literatura ng panahon
Hanggang sa kinabukasan
Kilalanin natin ngayon