Maalab na pagbati ngayong Araw ng Paggawa!
Isa sa mga kauna-unahang malawakang protestang naitala sa Pilipinas ay ang pagkilos na in-organisa ng Union Obrera Democratica de Filipinas, kung saan mahigit 100,000 katao ang nakilahok sa laban para sa karapatan ng mga manggagawa. Marami ang naaresto dahil sa pakikilahok nilang ito.
Ngayong Mayo 1, tayo’y nagbibigay pugay sa lahat ng mga manggagawang Pilipino. Sila ang nagbibigay buhay sa ating ekonomiya at nagpaoatakbo ng bawat sektor ng lipunan. Patuloy nating ipaglaban ang mga karapatan ng ating mga manggagawa sa maayos na kondisyon sa trabaho at sapat na sweldo.
Mabuhay ang mga Manggagawang Pilipino!