Ngayong araw na ito, ginugunita ng buong bansa ang ika-81 na Araw ng Kagitingan.
Kilala rin ang selebrasyong ito bilang ‘Araw ng Bataan’ o ‘Araw ng Bataan at Corregidor’ bilang paggunita sa pagbagsak ng Bataan kung saan naganap ang kilala ngayong ‘Bataan Death March’ na kumitil ng higit sa 20,000 buhay noong ikalawang pandaigdigang digmaan. Madilim man ang naging kasaysayang ng araw na ito, ipinapaalala pa rin nito ang kagitingan ng ating mga sundalo sa pagdepensa at paglaban sa naturang lugar na naging susi upang makuha nila itong muli mula sa pwersa ng mga Hapon.