
Ramdam na ang lamig ng hangin, tanaw pa ang kislap ng mga ilaw sa kalsada. Sa sala, puno na ng palamuti—kumpleto na pati Christmas Tree na isang dekada na ang tanda. Malapit na talaga ang Pasko!
Nitong Huwebes, bago pa man pormal na magpailaw sa Samar State University biowall at campus grounds sa pamamagitan ng taimtim na seremonya, tinanong namin ang iilang kabilang sa Tradesman community—ano ang hashtag mo ngayong Christmas?