Opisyal na idineklara na suspendido ang pasok mula alas-12 ng tanghali ngayong araw, Nobyembre 15, 2024, sa lahat ng mga sangay na kampus ng Samar State University dala ng paparating na severe tropical storm Pepito (international code: Man-yi).
Nauna nang naglabas ng abiso ang Samar Public Information Office sa pamamagitan ng isang post upang kumpirmahin ang suspensyon ng pasok, na mula sa tanggapan ng Gobernador ng Lalawigan.
Sa ulat ng panahon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-5 ng umaga, iniulat na ang bagyong Pepito ay inaasahang lalakas at magiging ganap na typhoon sa loob ng susunod na 12 oras. Inaasahan ding lalo pa itong magpapalakas at maaring maging super typhoon pagsapit ng gabi ng Sabado, Nobyembre 16.
Inaabisuhan ang lahat na mag-ingat dahil sa maaaring matinding pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa na dala ng bagyo.