Pinagtibay na kababaihan tungo sa masaganang kinabukasan.
Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kabataang Babae, layunin na mabigyan ng pantay na karapatang pang-edukasyon ang mga batang babae, na mahalaga sa pagkakapantay-pantay at katuparan ng kanilang mga karapatang pantao. Sa temang ‘Bersyon ng mga Batang Babae para sa Hinaharap,’ ang pagdiriwang na ito ay nagsusulong ng mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa bawat batang babae, na magiging susi sa kanilang masaganang kinabukasan at inspirasyon ng mga susunod na henerasyon.
Ito’y paalala na hindi hadlang ang kasarian sa pagkakaroon ng boses at tagumpay. Pantay na pagtrato ang nararapat para sa lahat, lalo na sa mga kababaihang minsan nang ipinagkait ang kanilang mga karapatan.
Babae ka ng paninindigan, lakas, at kakayahan. Hawak mo ang susi sa mas maayos at progresibong lipunan. ♀️❤️🩹