“Ang Wika ay Siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng Isang bayan” -Manuel L. Quezon.
Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan at pagkakaunwaan. Ito’y naging daan upang mahabi at mapagtagpi ang distansiyang naging sanhi ng hindi pagkakaunwaan ng bawat isla ng Pilipinas. Kaya’t ang wika ay ang kaluluwa ng ating bibig at espirito ng ating bansa sa pagkakaisa.
Ngayong Agosto, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041 na ikinasa noong Hulyo 15, 1997 ay ipinagdiriwang ang buwan ng wikang pambansa. Layunin nito pagyaman ang kahalagahan ng wika at kultura. Ito ang panahon upang bigyang buhay ang Filipino na nagsilbing sinulid upang magpagbuklod ang bawat Pilipino.
Kaya’t tayong mga Pilipino, hikayatin at linangin natin ang paggamit ng wikang pambansa, tungo sa pagkamit ng kinabukasang mayaman sa kultura at mayaman sa kaisipan.