Ngayong araw ay ginugunita natin ang tanda ng sigaw ng pugad lawin noong 1896 sa kabayanihan na inalay ng mga taong nagpasiklab sa pagpapalaya ng ating bayan. Ito ay isang simbolo ng tyaga, tapang at tatatag ng bawat Pilipino na nakibaka laban sa mga mananakop.
Taas noo nating tanawin ang mga dugong dumanak at mga luhang humupa na naging sanhi ng ating kalayaan. Isabuhay at isapuso ang regalo ng nakaraan na nagbigay sa atin ng buhay na matiwasay.