Ang taong may pakialam ay ang taong may alam. 🤔💭
Ayon sa Executive Order no. 137, s. 1999 ang buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang ang Pambansang Kamalayan ng Sakuna, nais nitong bigyang diin ang paghahanda at paglinang ng ating kakayahan ukol sa mga Sakuna na nangyayari sa ating bansa.
Layunin nito mapaigting ang ating kamalayan na mapigilan, mapagaan at mapaghandaan ang mga sakuna. At hangad nito mabigyang karagdagang kaalaman at kakayahan ang bawat Pilipino sa buong bansa.
Kaya’t tayong mga Pilipino, kailangan natin magsumikap at manatiling may pakilaman upang magkaroon ng kaalaman na mapaghandaan ang mga sakuna.