ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagsagwan, makakarating ka rin sa pangpang. oo, matatagalan, mababasa ka muna ng pawis, magpupuyat sa gabing parang walang katapusan, at minsan matatagpuan mo ang sarili na luhaan. ngunit kung pagsisikapan mong magsagwan, at kung ika’y magiging matapang, hindi ka malulunod nang tuluyan. dadaong ka rin.
maglalaho rin ang mga iisipin at hindi na bibigat ang mga pasanin.
kagaya ng mga nauna, subukan mo ring indahin ang hampas ng mga alon, ang pabago-bagong panahon na minsa’y may ambon at ulan. ngunit sigurado akong gagaan din ang iyong pakiramdam, lahat ng pinagdadaanan mong hirap, sakit ay sa huli ito’y iyong maiintindihan.
sagwan lang, makakarating ka rin sa pangpang.