Sa muling pagbabalik ng Regional Tertiary Schools Press Conference (RTSPC) sa rehiyon, nagtipon-tipon ang mga mamamahayag pangkampus mula sa iba’t ibang tersiyaryang panuruan sa Silangang Visayas sa Visayas State University (VSU) RDE Hall ngayong araw, Abril 3, para sa unang araw ng nasabing press conference.
Bahagi ng unang araw ang dalawang plenaryo na nakasentro sa papel ng isang campus journalist; banta at kabutihang dulot ng artificial intelligence; mobile journalism; at community reporting.
Kasama ang 28 pang publikasyon, ang The Tradesman, ay nakatakdang makilahok sa apat na araw na mga aktibidad ng RTSPC8.
kuha ni Bruce Raphael Versoza | The Tradesman
View all photos on Facebook: 2024 RTSPC8