Nakakapagod sigurong maging mangingisda ‘no?
Kailangang lakasan ang pagsagwan upang umusad. Kailangang galingan at higit sa lahat, oras ang kalaban. Nakakalungkot lang na kahit nasa gitna na ng karagatan, hindi mo pa rin mahihigitan ang huli ng bangkang nasa iyong unahan. Sa paglubog ng araw, uuwi ka na hindi nahuli ang isdang sasagip sana sa inyong hapunan.
Nga pala, hindi ito tungkol sa mangingisda.
#LiteraryTrade
piyesang ambag ni Fritxie Cabarles