Kasama ang buong delegasyon ng Rehiyon 8, lumahok ang mga delegado ng Samar State University (SSU) sa grand parade ng ika-11 edisyon ng Philippine Association of State Universities and Colleges – National Culture and the Arts Festival (PASUC NCAF) kanina, ika-23 ng Abril.
Ang nasabing parada ay nagsimula sa Kartilya ng Katipunan at nagtapos sa Philippine Normal University (PNU) Quadrangle, kung saan ginanap ang pambungad na palatuntunan.
Sa pangunguna ni University President Dr. Rendentor S. Palencia, ang delegasyon ng SSU ay binubuo nina Vice President for Administration and Finance Dr. Gina U. Españo, Office of Arts & Cultural Heritage Programs (ACHeP) Director Prof. Jhonil C. Bajado, mga coach na sina Prof. Rowel A. Dacanay at Prof. Joan J. Baclay, at ang mga pambato ng unibersidad sa Short and Sweet Play (Musical) na kakatawan sa Eastern Visayas sa naturang kategorya.
Nakatakda ang kanilang pagtatanghal sa huling araw ng PASUC NCAF, Abril 25, na gaganapin sa PNU Edilberto P. Dagot Hall.