Ang mamatay nang dahil sa’yo 🇵🇭
Ngayong araw ay ginugunita natin ang araw na nagpunla ng awit na sumasalamin sa ating mga Pilipino. Ang nagbungkal ng daan upang marining ang tinig na nahimik sa daang taong pakikipaglaban ng mga ninuno nating Pilipino. Siya si Felipe, ang nagbigkis ng mga himig upang mabuo ang Marcha National Filipina mula sa tulang Filipina ni Jose Palma na ngayon ay ang ating Lupang Hinirang.
Ang himig na nagbigay buhay sa Lupang Hinirang ay ang nagsilbing kaluluwa sa musika na naghatid ng makadamdaming mensahe tungkol sa kalayaan ng ating inang tinubuan. Si Julián ang katangi tanging susi na nagbuo ng ating pambansang awit. Kaya, marapat lamang na bigyan natin ng pagpupugay ang kaniyang naging kontribusyon sa ating bayan.
Sa pamamagitan ng Republic Act No. 7805 taong 1994, idineklarang non-working holiday sa lungsod ng Cavite upang ipagdiwang ang Julián Felipe Day. Tatlong dekada na nating tinatanaw ang Enero 8 bilang araw na pagkilala sa kabayanihan ni Julián Felipe.
Tinig ma’y di marining, ngunit ang himig niya’y nakaukit sa puso ng bawat Pilipino bilang alay sa kanyang musikang binuo gamit ang luha, pangungulila, at kalugmukan ng ating bansa.
Ngayong araw, tayo ay tumayo at ilagay ang ating kanang kamay sa dibdib nating mga Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang musikang Felipe!