Mula 57 porsyentong kabataang 10 taon gulang na hindi makabasa at makaintindi ng simpleng konteksto noong 2019 ay tumaas ito ng hanggang 70 porsyento ngayong 2022. – UNESCO
Sumasalamin ito sa pagsubok ng pandemya ng COVID-19 at Climate Change sa karunungan sa pagbasa at pagsulat. Kaya naman para sa taong 2023 ng International Literacy Day ay ito ang mas pinag-iigihan ng UNESCO.
Sa temang ‘Promoting literacy for a world in transition: Building the foundation for sustainable and peaceful societies,’ ipinadidiwang ng UNESCO ang International Literacy Day para ipaalala ang kahalagahan ng literacy at maisulong ang maunlad na kalipunan.
Ang ILD 2023 ay isang oportunidad na pabilisin ang pagkamit ng Sustainable Development Goals 4 (SDG 4) ukol sa edukasyon at paigtingin pa ang papel ng karunungang bumasa’t sumulat sa pagtatayo ng payapa at maayos na lipunan. Sa pamamagitan nito ay mauunawan natin ang koneksyon ng literacy at iba pang aspeto ng kaunlaran. Kaugnay ng temang ito ay ipagdidiwang ang ILD 2023 sa bawat sulok ng mundo.
Maligayang Araw ng Karunungan sa Pagbasa at Pagsulat, atin pang isulong ang karunungang ito para sa mas maunlad na lipunan.
Happy International Literacy Day!