Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin,
Tamis ng tinig ng mga batang nangangaroling.
Samu’t-saring bahagharing ilaw na parang mga bituin— sa mga bahay-bahay nakabitin.
Rinig ang tawanan at tilian.
Sa bawat pieing na pinagsasalo-salohan,
Kasabay na kagalakan sa bawat regalong
binubuksan.
Ngunit sa karatig bayan.
Ay makikita mo sila rotoy na naglalako at
palabuy-laboy,
Wariy mga munting sundalong nanghihingi
nang awa•t abuloy—
Nagbabasakaling marinig ng buwan ang
kanilang panaghoy,
at mga panalanging nag-ngunguyngoy
Na kahit ngayon lang na Noche Buena—
ay ang spaghetti hindi lamang hanggang sa
kanilang pang-amoy.
Poem by Trisha Lamban | The Tradesman
Layout by Chuck Cabarliza | The Tradesman